Travel advisory sa Bahrain, Libya hiniling na ibaba

MISTULANG kinalampag ni Senador Manny Villar ang Department of Foreign Affairs (DFA) na agad magpalabas ng “travel advisories” para mabigyang babala ang mga Filipino na maglakbay patungong Bahrain at Libya dahil sa lumalalang tensiyong pulitikal sa dalawang bansa.

Hiniling din ni Villar, chairman ng Senate trade committee, sa Department of Trade, Energy at labor department na magpalabas ng isang kumprehensibong pag-aaral at panukala hinggil sa posibleng epekto sa pambansang ekonomiya ang paglala ng kaguluhan sa  Middle East.

Aniya,  hindi dapat mag-aksaya ng panahon ang DFA sa pagpapalabas ng nararapat na travel advisories upang magbigay babala sa ating mga kababayan sa paglalakbay sa Bahrain at Libya habang patuloy ang kaguluhan sa nasabing mga bansa.

“Maaaring may mga manggagawa na umaalis patungong Bahrain at Libya dahil hindi nila alam ang nangyayari doon. Mas makabubuti siguro at mas ligtas para sa kanila na maghintay muna hanggang sa manumbalik sa normal ang sitwasyon. Kung hindi naman maiiwasan, sinabi ni Villar na mas makabubuting agad na makipag-ugnayan ang mga manggagawa sa embahada ng Filipinas pagdating nila sa nasabing mga bansa.

Binigyan diin din ng lider ng Nacionalista Party ang pangangailangan ng masusing pag-aaral sa implikasyon ng kaguluhan sa maraming bansa sa Middle East sa presyo ng krudo sa world market at sa pambansang ekonomiya sa kabuuan.

Tinukoy din nito na halos 3,000,000 Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Middle East at North Africa.

Napansin din nito na patuloy na tumataas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan dahil sa pagputok ng kaguluhan sa Egypt, Libya, Yemen, Tunisia and Bahrain.

“Ang pagtaas ng presyo ng langis ay maaaring maging sanhi ng pagliit ng kita dito sa bansa.  Ito ang dahilan kung bakit dapat maging maayos ang pag-aaral ng gobyerno sa magiging epekto ng matagal na krisis sa Middle East sa pesyo ng krudo sa world market at sa remittance ng mga OFW.” Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply