Travel ban sa Bahrain rerebisahin

IPAPAREBISANG mabuti ni Pangulong Benigno “PNoy” ang travel ban tungo sa bansang Bahrain.

“We are just concerned with the Filipinos safety there considering the recent developments in the Middle East but I’ll have that studied,” ayon kay Aquino.

Kamakailan ay hinimok ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy workers na ipagpaliban ang sinasabing non-essential travels sa Libya, Bahrain at Yemen.

Sinabi rin ng DFA na pinag-aaralan din nito na ipagpaliban ang pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa mga nasabing bansa na kasalukuyang may kaguluhan.

Sa kabilang dako, nagtungo ang Punong Ehekutibo sa Philippine Overseas Employment Authority (POEA) upang pangunahan ang pag-unveil ng makasaysayang marker ng lugar kung saan eksaktong inihayag ni dating Pangulong Corazon Aquino ang kanyang speech noong 1986 EDSA Revolution.

Binisita rin ng Punong Ehekutibo ang Jobs Fair kung saan 28 employment agencies ang nag-commit ng 25,000 trabaho mapa-lokal man o sa ibang bansa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply