Tren nadiskaril sa Makati

NAANTALA ang pagpasok sa kani-kanilang trabaho ng mga pasahero nang madiskaril ang tren ng Philippine National Railway (PNR) sa Makati, Miyerkules ng umaga, Pebrero 16.

Nabatid na ang tren ay bumibiyahe mula sa Tutuban station sa Maynila patungong Alabang, nang aksidenteng madiskaril malapit sa Pasay Road station, Makati City bandang 7:15 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente maliban sa pagkakaantala ng mga pasahero na napilitang lumabas ng tren para maghintay ng panibagong sasakyan patungo sa kanilang patutunguhan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pamunuan ng PNR upang mabatid ang dahilan ng insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply