Tricycle driver patay sa kinulit, isa pa sugatan

TIGOK ang isang tricycle driver habang sugatan ang kainuman nito matapos pagbabarilin ng kinulit ng una sa Caloocan City Linggo ng gabi, Pebrero 20.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Joseph Marcos, 43 ng Phase 32, Kaunlaran Village ng lungsod. Ginagamot naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang paa si Editor Azares at kalugar ng nasawi.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Romy. Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, nag-iinuman ang mga biktima sa tapat ng bahay ni Azares nang dumaan ang suspek na nilapitan ni Marcos at kinulit.

Nabuwisit ang suspek hanggang sa bunutin ang dalang baril bago pinagbabaril si Marcos kung saan nahagip din ng bala si Azures. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman si Azures sa PDMMMC. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply