Driver todas sa pasahero

RIZAL – Resbak ang hinihinalang dahilan sa pagkakapaslang ng isang tricycle driver na dalawang ulit binaril sa ulo ng kanyang pasahero Biyernes ng umaga, Pebrero 4, sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang nasawi na si Leonardo Juanico, 39, tubong Mindanao at residente ng Southville 8A, Brgy. San Isidro ng nasabing bayan.

Nakatakas ang hindi nakilalang salarin sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasabwat nito.
Ayon sa ulat, naganap ang  pamamaril dakong alas-7:30 ng umaga sa Southville, Brgy. San Isidro, Rodriguez.

Nabatid na bumibiyahe ang biktima sakay ang salarin nang bigla na lamang bumunot ng baril at saka patraydor itong binaril ng huli.

Ayon sa pulisya, maaring paghihiganti ang dahilan ng pagpaslang dahil sa maayos ang pagkakaplano ng mga salarin sa paglikida sa biktima.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .9mm pistol na ginamit sa pagpatay sa biktima. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply