Trike driver dedo sa resbak ng pasahero

RIZAL— Resbak ang hinihinalang dahilan sa pagkakapaslang ng isang tricycle driver na dalawang ulit binaril sa ulo ng kanyang pasahero sa Rodriguez, Biyernes ng umaga, Pebrero 4.

Kinilala ang napatay na si Leonardo  Juanico,  39, tubong Mindanao at residente ng Southville 8A, Brgy.  San Isidro, nasabing bayan.

Mabilis  namang  tumakas  ang  hindi  nakilalang suspek  sakay  ng isang motorsiklo na minamaneho ng kasabwat nito.

Sa  ulat, naganap  ang  pamamaril  dakong 7:30  ng umaga sa Southville, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na bumibiyahe ang biktima at pasahero nito ang suspek nang bigla na lamang bumunot ng baril saka patraydor na binaril ang una.

Ayon sa pulisya, maaaring paghihiganti ang dahilan ng pagpaslang sa biktima dahil sa maayos ang pagkakaplano sa krimen.

Narekober sa crime scene ang  dalawang piraso ng basyo  ng  bala  ng kalibre .9mm  ginamit  ng suspek sa  pagpatay  sa  biktima. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply