Trillanes: Angelo Reyes ‘corrupt lord’ ni Garcia

TAHASANG pinangalanan ni Sen. Antonio Trillanes IV si  dating Defense Secretary Angelo Reyes bilang ‘powerful person’ sa likod ni dating AFP chief comptroller at retired Maj. Gen. Carlos Garcia sa pandarambong ng pondo ng militar.

“Siya! I am naming him, siya mismo at least one of those behind,”pagdidiin ni Trillanes sa panayam ng mga mamamahayag sa bulwagan ng Senado.

Ilang araw nang ibinibitin ni Trillanes ang pangalan ng ‘powerful person’ na nasa likod ni Garcia kung saan naglabas pa ng paid advertisement si Reyes hinggil sa sulat nito sa senador na may petsang Enero 14,2011.

Nauna nang sinabi ng senador na kaya malakas ang loob ni Garcia na mangurakot sa pondo ng AFP ay dahil nasa likod niya ang makapangyarihang tao sa gobyerno noong 2001 hanggang 2003.

Nagsilbing chief of staff ng AFP si Reyes noong 2001 hanggang 2001 at naging Defense Secretary noong 2001 hanggang 2003.

Nilinaw naman ni Trillanes na hindi niya pinag-iinitan si Reyes, kundi nagkataon lamang na nahahagip ang pangalan nito sa hangarin nitong maisakatuparan ang reporma sa AFP.

“This is not about him, this is about trying to correct the system and I’m thinking of some institutional reforms that we can put in place to finally eradicate that particular mode of corruption in the armed forces,”diin ni Trillanes.

Idinagdag pa nito na kung nasaktan niya ang damdamin ni Reyes dahil sinagot-sagot niya ito sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang Huwebes, kasalanan din ito ng ‘upper class’ niya sa Philippine Military Academy(PMA) dahil sa hinaharass nito ang testigong si retired Lt. Col. George Rabusa.

“He was trying to harass Col. Rabusa and I’m not about to let that happened,”ani Trillanes.-  Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply