Trillanes nadismaya sa ‘hero’s treatment’ kay Reyes

NAGPAHAYAG ng kaniyang saloobin si Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa  pagbabago ng turing ngayon kay dating Armed Forces of the Philippines chief Angelo Reyes.

Ayon kay Trillanes, noong nabubuhay pa ang retiradong heneral at nahaharap ito sa multi-milyong pisong corruption sa militar  ay ibinibigay dito ang trato tulad ng isang bayarang sundalo ng AFP, subalit nabaligtad naman ito pagkatapos ng kanyang suicide.

Nararamdaman ng senador  na may grupong gumagalaw para pabanguhin ang imahe ni Reyes sa publiko.  “Alam nyo naman ang PR, yung propaganda,” sambit ng senador.

Kumpiyansa naman si Trillanes na kahit anong propaganda ang gawin ng kabilang kampo para pabanguhin si Reyes, hindi pa rin makakalimutan ng taumbayan ang mga isyung kinasangkutan ng dating kalihim bago siya nagpatiwakal.“Bahala na ang taumbayan na mag-decide,”giit ni Trillanes.

Simula nang magpakamatay si Reyes sa puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, ipinipinta na ng pamilya nito at kaibigan ng retiradong heneral ang kasamaan ng ilang senador.

Dagdag pa rito ang pagbibigay ng full military honors kay Reyes at sa lamay nito ay maraming maimpluwensiyang personalidad ang bumisita.

Ipinanukala pa ng isang senador na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni Reyes. Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply