Trillanes pinatatahimik ni Mikey

PINATATAHIMIK ng isang kongresista si Senador Antonio Trillanes IV sa pagdawit kay dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa mga nabunyag na katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tahasang sinabi ni Ang Galing Pinoy Party-list Rep. Mikey Arroyo na dapat ng tigilan ni Trillanes ang paggamit sa kaniyang ina bilang “punching bag” para sa kaniyang media exposure.

Ayon kay Mikey nakalulungkot aniyang ginagamit pa ni Trillanes ang media bilang “launching pad” para sa kaniyang mga walang basehang akusasyon.

Ipinaalala pa ni Mikey kay Trillanes na dapat nitong igalang ang Inter-parliamentary courtesy sa mga miyembro ng Kongreso lalo pa’t ang kaniyang ina ay isang mambabatas.

Nauna rito ay hinamon ni Senate President Juan Ponce Enrile si Trillanes na maglabas ng ebidensya na mag-uugnay kay GMA sa mga lumutang na katiwalian sa AFP dahil hindi aniya makabubuti ang magbanggit pa ng mga pangalan na wala basehan. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply