Trillanes sobra na — Esperon

“SOBRA na.”

Ito ang buwelta ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Hermogenes Esperon sa mga kritiko, partikular na si Sen. Antonio Trillanes IV, ng namayapang si dating AFP chief Angelo Reyes.

Kung matatandaan ay umani ang yumaong si Reyes ng maaanghang na salita mula sa senador nang madawit ang pangalan nito sa mga anomalya sa militar.

Sa isang panayam ay sinabi ni Esperon na tila labis ang pagtawag kay Reyes ng walang reputasyon kahit na minsang namuno ito sa militar at namuno sa apat na sangay ng pamahalaan kabilang na ang Departments of National Defense (DND), Environment and Natural Resources (DENR), Interior and Local Government (DILG) at Energy (DOE).

Ayon kay Esperon ay nasaktan siya para kay Reyes, dahil kilala niya si Reyes na mabuting tao.

Kahit aniya sa mabababang ranggo ay maganda umano ang trato ni Reyes.

Matatandaan na parehong naupo sa sandatahang lakas sina Esperon at Reyes sa panahon ng administrasyong Arroyo.

Hanggad ng mga kaibigang heneral ni Reyes na maalis ang pangit na tingin sa AFP bunsod ng mga paninira ng mga kritiko sa mga dati at kasalukuyang matataas na opisyal nito. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply