Triple-Double ni James kulang pa rin, Bryant bida sa West

NAGTALA ng triple-double performance ni LeBron James subalit natalo pa rin ang kanyang East team sa West team, 143-148 sa katatapos na NBA All-Star game na ginanap sa Staples Center.

Kumamada agad ng 21 puntos si record-tying fourth All-Star game MVP award Kobe Bryant ng 21 points upang makauna ng lamang ang West, 76-64 sa half time.

Yumanig agad ang arena matapos masilayan ng mga fans ang two-handed dunk at fallaway jumpers ni Los Angeles Lakers superstar guard Bryant sa opening minutes ng kanyang 13th All-Star appearance.

Tumapos si Bryant ng 37 puntos, 14 rebounds at tatlong assists habang sinegundahan siya ni Kevin Durant 34 pts. three boards at two assists.

Si Miami Heat star player James at New York Knicks star center Amare Stoudemire ang namuno sa scoring para sa East team na may 29 puntos, 12 rebounds at 10 assists at 29 pts. anim na boards at dalawang assists ayon sa pagkakasunod.

Napanalunan ni Bryant ang All-Star MVP trophy noong 2002 at 2007 bago makisalo sa titulo kay Shaquille O’Neal noong 2009.

Si Bob Pettit ang may hawak ng NBA record na four All-Star MVP na napanalunan lahat sa St. Louis Hawks noong1956-62.

Parang naiilang maglaro si West starter Carmelo Anthony matapos isablay ang apat sa limang tira nito sa loob ng siyam na minuto.

Nagtala lamang ng walong puntos, pitong rebounds at dalawang assists si Anthony sa 22 minutong paglalaro.

Nakarinig pa ng “Boo” si Anthony dahil sa lay-up nito na puwede naman i-dunk sa isang breakaway sa first quarter.

Walong puntos at tig-limang rebounds at assists naman ang inambag ni West second stringer at 2010-11 All-Star Slam Dunk king Blake Griffin. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply