Tripulanteng Pinoy pinatay ng Somali pirates

KINONDENA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpatay ng Somali pirates sa isang Filipino seafarer matapos magkaroon ng rescue operation ang naval patrol laban sa mga pirata na kumubkob sa MV Beluga.

Ang pagkondena ay bunsod sa walang awang pagapatay kay Farolito Vallega, isa sa 12 seafarer  na sakay ng nasabing barko.

Sinabi ng DFA na karumal-dumal ang pagpatay sa inosenteng tao ng nasabing mga pirata.

Napatay ng tulisang dagat si Vallega noong Enero 26, matapos magsagawa ng rescue operation ang naval patrol.

Ang MV Beluga ay kinubkob noong Enero 22, 390 nautical miles ang layo sa North Port of Victoria sa Seychelles.

Kaugnay nito, nagpasaklolo na sa International Anti-Somali pirates  ang DFA upang maayos na mailigtas ang iba pang bihag ng Somali pirates.

Samantala, may natanggap na ulat ang DFA na isang Filipino ang nawawala na kinilalang si Elviro Salazar, habang nailigtas naman ang isang Filipino at isang Ukranian na tumalon sa dagat sa kasagsagan ng naval patrol rescue operation.

Nakikiramay ang DFA sa naulila ng pamilya ni Vallega. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply