Truck vs Toyota: 5 patay, 1 kritikal

PATAY ang limang pasahero habang sugatan ang isa pa makaraang sumalpok ang Toyota Vios sa 10-wheeler truck sa Alubijid, Misamis Oriental.

Nakilala ang dalawa sa mga namatay na sina Inaida Calauto, Brgy. Kagawad ng Quiapo, at Rahman Mocadin, habang nasa kritikal na kondisyon si Abdul Rahman Jalit.

Ayon  pulisya, nakapiit na ang driver ng 10-wheeler truck na si Jerson Mansigyao habang nakatakas ang driver ng Vios na si Sacar Banto-as, ng Lanao del Sur.

Batay pa sa imbestigasyon ng pulisya, tinangkang mag-overtake ng Toyota Vios sa isang trailer truck ngunit  sa kasamaang-palad, sumalpok ito sa truck na minamaneho ni Mansigyao.

Agad na namatay ang tatlong pasaherong lulan ng Toyota Vios habang isinugod sa hospital ang tatlong iba pa ngunit idineklara rin ng mga doktor ang dalawa na dead on arrival.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong multiple homicide resulting to serious physical injury and damage to properties  na isasampa laban sa dalawang driver ng mga naturang sasakyan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply