Tsinoy na dinukot sa Cotabato, pinatay na

PINATAY na ng kanyang kidnappers ang negosyanteng Tsinoy na dinukot sa Cotabato City noong nakaraang Enero 8, 2011, iniulat HUwebes, Pebrero 3.

Ayon kay Marine Col. Dorotheo Jose Jalandoni, kumander ng Marine Landing Team 7, nakatanggap sila ng reports na patay na ang biktimang si Yuloyu Lim Yu.

Aniya, walang ransom demand mula sa kidnappers at wala na ring palatandaan na buhay pa ito.

Sa ngayon ayon kay Jalandoni, ang focus na lang ng pulisya ay maghanap ng makapagtuturo kung saan inilibing ang dinukot na negosyante.

Si Yu ay may-ari ng Yuking Guan in Hardware, dinukot ng anim na armadong lalaki sa harap ng isang hotel sa Cotabato City. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply