Tulong-Kababayan program ng DOST para sa OFWs inilunsad

INILUNSAD ng Department of Science and Technology (DOST) ang Tulong Kababayan program para magbukas ng  oportunidad sa alternatibong kabuhayan sa overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng kaguluhan sa Libya.

Pinangunahan ni Science and Technology Sec. Mario G. Montejo ang programa na magbibigay ng libreng livelihood training sa  OFWs na sapilitang bumalik sa bansa at magtatag ng kabuhayan.

Sinabi ni Montejo na bukas sa OFWs  at pamilya nito ang livelihood trainings ng  DOST-Technology Resource Centers (TRC) gaya ng produksiyon ng  flavored at  fortified juice,  layers (table egg) production, paggawa ng  fashion accessories, herbal bath soap, perfumes at  colognes, at marami pang iba.

“Affected OFWs and their families who are management-oriented can also avail of other trainings such as a business operation, event planning and management, setting up a domestic ticketing office for airlines and shipping companies, bakery management and others,” ayon kay Montejo sa pagbubukas ng TRC Innovations for Business Expo 2011 na ginanap sa Mega Trade Hall, SM Megamall, sa Ortigas.

“This is our way of helping our displaced  OFWs to quickly get back on track to  being productive anew. We want to show to our people that they can start again through DOST’s technology training courses that will enable them to venture into entrepreneurship and business.”

Sinabi naman ni DOST-TRC Director Dennis Cunanan na layunin ng programa na muling makapagsimula ang OFWs na labis na naapektuhan ng gulo sa pamamagitan ng  pagsisimula ng maliit na pangkabuhayan.

“DOST’s Tulong-Kababayan also offers free assistance to these affected OFWs who want to avail of microfinancing through DOST-TRC’s partner institutions,” dagdag pa ni Cunanan.

Ang DOST-TRC ay pangunahing katuwang ng ahensiya sa pagibigay ng technology-based products and services para sa pag-develop ng pangkabuhayan.

Para sa mga interesadong OFWs, maaaring makipag-uganayan kay Rene Oxina,   DOST-TRC office,  103 J. Abad Santos, Little Baguio, San Juan City o tumawag sa numerong 727-6205.

Sa mga OFWs na uuwi ng kani-kanilang probinsiya, makipag-uganayan sa tanggapan ni Science and Technology Usec. for Regional Operations Carol  Yorobe sa numerong 837-2944.

Bisitahin ang http://www.trc.dost.gov.ph para sa mga pagsasanay ng TRC sa Marso 2011.  Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply