Tuloy ang pagsilip sa AFP anomalies

NAKALULUNGKOT ang naganap na pagkitil ni dating Defense Sec. Angelo Reyes sa kanyang buhay dahil sa pagkakasangkot niya  sa  mga anomalya sa militar.

Marami ang nagulat at na-shock sa pagbaril ni Sec. Reyes sa sarili. Kilala kasi itong  matapang at  hindi umaatras sa kahit anong uri ng labanan.

Talagang ganyan ang buhay. Lahat tayo’y lilisan sa mundong ito, pero sa iba’t ibang paraan.

Kung bakit nag-suicide si Sec. Reyes ay nananatiling pakahulugan sa marami. Kung ano ang dahilan, ang dating AFP chief lang ang nakaaaalam.

Pumanaw na si Sec. Reyes, pero ang pagkawala niya sa mundo ay ‘di dahilan para mahinto ang imbestigasyon sa mga anomalya sa militar.

Dahil karapatan ng bawa’t  Juan at Maria na malaman ang katotohanan sa ibinulgar ni Col. George Rabusa.

Ang tandem nina Kap.Lingal at Hernandez

Diyan pala sa San Jose, Batangas, dalawang kapitan ng barangay ang operators at pasimuno ng iligal bookies  na Small Town Lottery (STL).

Kuwento ng isang pulis na nagsumbong sa Chokepoint, untouchable ang dalawang kapitan na ito na kinilala niyang sina ‘Lingal’ at ‘Hernandez.

Inireklamo rin sa atin ng naturang pulis na ‘di nila hinuhuli ang dalawang brgy. leader na ito dahil pinoprotektahan ng kanilang hepe na si C/Insp. Jerson Bisayas.

Sentro raw ng operasyon nina Lingal at Hernandez ay ang Brgy. Dagatan at Brgy. Galamay Amo at nagsisilbing ‘management’ ang isang ‘Direk Hernandez’.

Lantaran ang operasyon ng nasabing iligal dahil ang mga kubrador, kahit nasasalubong na ng mobile cars ay ‘di pa raw hinuhuli ng mga pulis.

Paano nga, takot daw ang mga pulis sa kanilang boss na si C/Insp. Bisayas.

Kinakanlong din daw ng isang ‘John Cabrera’ na taga DILG Manila Office ang operasyon nina Lingal at Hernandez.

Sa Agoncillo, isang pulis na ‘Vergara’ naman daw ang operator ng STL bookies sa mga barangay ng munisipalidad.

Sa bayan ng Alitagtag isang alyas Togs ang operator, isang nagngangalang ‘Natanuan’ sa Talisay, Dikoy sa Laurel at ang EZ2 operator sa Nasugbu ay si Desiree. Col. Alberto Supapo, sir, no ba yan!- Bong Padua

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply