Tumakas na pulis sumuko rin

SUMURENDER na kaninang madaling araw (Martes, Pebrero 15) ang isa sa dalawang pulis na tumakas nitong Lunes ng tanghali nang matunugunang paparating na ang magsisilbi ng warrant of arrest at aaresto sa kanya.

Kusang sumuko si PO1 Antennor Mariquit, na isa sa mga nasangkot sa pag-salvage sa isang buntis.

Si Mariquit, na miyembro ng Rizal Provincial Police Office, ay sumurender ika-12:30 ng madaling araw na kasama ang kanyang ina at mga kapatid sa Angono, Rizal.

Ayon kay Mariquit, tumakas siya sapagkat hindi niya matanggap na ang kanyang kasong “abduction” ay itinaas sa “kidnapping.”

Patuloy ang pagtugis ng awtoridad sa kasama ni Mariquit na si PO2 Mario Natividad, na kasamang tumakas ng sumukong suspek. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply