Tumanghod sa nagsusugal binaril ng tanod sa hita

POSIBLENG maputulan ng hita ang isang lalaki mata-pos paputukan ng shotgun ng barangay tanod na malaon na niyang kaalitan sa Caloocan City kahapon.

Ang biktima na pansamantalang nakaratay sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ay si Michael Robles, 30 anyos, may asawa at residente ng 4038 Block 27, Lot 14, Phase 2, LRTB, Barangay 35, Maypajo ng nabanggit na lungsod.

Nakatakas ang suspek na kinilalang si Jonar Domingo, tanod ng Barangay 35 at residente ng LRTB, Maypajo.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang barilin ng suspek ang biktima habang nanonood sa mga nagsusugal sa lamay ng isa nilang namayapang kalugar. Jun Samson

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply