Tuñacao susuntok sa world title

UMAASA pa rin si dating Pinoy bantamweight world champ Malcolm Tuñacao na makakabalik siya sa tuktok ng mundo at makakasuntok para sa isang world title.

Si Tuñacao ay sumikat noong siya ay 23-anyos na boxer pa lamang matapos umiskor ng seventh-round technical knockout laban kay Medgoen Singsurat dahilan upang makuha sa kamay ng Thai champion ang tangan nitong World Boxing Council (WBC) flyweight title.

Matatandaan na si Singsurat ang nagpabagsak kay Manny Pacquiao nang matamo ang third-round KO laban sa Pambansang Kamao kaya nakuha ang WBC flyweight noong 1999.

Naisuko naman ni Tuñacao ang kanyang WBC flyweight crown kay Thai legend Pongsaklek Wonjongkam noong March 2, 2001.

Makaraang makatabla si Randy Mangubat, si Tuñacao ay nagtamo ng sampung sunod na panalo kaya nais niyang muling maging kampeon. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply