Umalma sa holdap tinusok ng holdaper

MALUBHANG nasugatan ang isang promodizer matapos saksakin ng isang holdaper makaraang manlaban ang una sa Malabon City.

Ang biktimang na kasalukuyang nakaratay at ginagamot sa Manila Central University Hospital (MCUH) sanhi ng tinamong saksak sa katawan ay si Marlon Geronimo, 28, ng Taste Heaven at residente ng 46 Ponce Compound, Brgy. Santulan, nasabing lungsod.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad upang maaresto at matukoy ang pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon, bandang 12:40 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gov., Pascual St., Sitio 6 Brgy., Catmon Malabon City.

Kapwa sakay sa isang pampasaherong jeep ang biktima at suspek nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lamang naglabas ng patalim ang huli sabay itinutok sa una at pilit kinukuha ang kanyang mga gamit at pera.

Ngunit sa halip na matakot ay pinalagan ng biktima ang suspek dahilan kaya tinarakan siya ni Geronimo bago tumakas. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply