UN pasok sa AFP fund scam probe

NAIS ng United Nations (UN) na tumulong sa imbestigasyon ng pamahalaan sa umano’y katiwalian sa paggastos ng UN peacekeeping funds sa mga sundalong Pinoy na nakatalaga sa East Timor.

Sa isang pahayag, sinabi ni UN National Information Officer Teresa Debuque na bagama’t itinuturing na “national matter” ang UN fund, nakahanda umano ang kanilang Department of Peacekeeping Operations na magbigay ng panig para maliwanagan ang kontrobersiyal na usapin.

Inihayag din ng opisyal na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na anumang reklamo ang naturang departamento kaugnay sa kuwestyon ng sahod ng mga peacekeeping troop member.

Pero aminado naman si Debuque na walang kontrol ang UN kung sa paanong paraan gagastusin ng mga member states ang pondong nanggagaling sa kanila.

Maalala na sa mga naunang pagdinig ng Kongreso, ibinulgar ni dating state auditor Heidi Mendoza ang aniya’y UN fund conversion scam sa AFP.

Kinumpirma rin ni retired Marine Col. Ariel Querubin, na nagamit sa iba ang pondo ng UN para sa Philippine peacekeeping team sa East Timor.

Si Querubin ay nagsilbing liason officer ng tropa sa East Timor noong taong 2001. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply