Undercard ni Donaire umungos sa kalaban

PANALO ang Filipino boxer na si Mark Jason Melligen kontra kay Gabriel Martinez ng Mexico sa 10-round fight sa Mandalay Bay Resort Hotel and Casino Events Center sa Las Vegas.

Ang laban ay isa sa undercards ng WBC/WBO bantamweight title showdown sa pagitan ni Filipino challenger Nonito Donaire Jr. at world champion Fernando Montiel.

Sa unang rounds, kaagad nakalamang ng puntos si Melligen.

Sa Round 7, bahagya pang nayanig si Martinez sa solid right ng Pinoy boxer.

Pagsapit ng Round 9, naging mainit ang palitan ng suntok ng dalawa, hanggang naging mas agresibo si Martinez.

Sa pagtatapos ng laban, idineklara ang Filipino boxer na panalo via unanimous decision  (99-91,99-91,98-92)

Si Melligen ay tubong Bacolod City. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply