Underwater wedding gagawin sa Hundred Islands

GAGANAPIN ang isang underwater wedding sa Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan, Linggo, Pebrero 13.

Sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi ni City Tourism Officer Mike Sison na idadaos ang ang nasabing kakaibang kasalan ganap na 7:00 ng umaga, Linggo, Pebrero 13.

Walang bayad ang naturang kasal na pangungunahan ni Mayor Hernani Braganza. At katuwang ng mayor ang ilang license divers.

Pawang taga-Maynila ang ikakasal sa ilalim ng tubig ng Cagao Macapagal island.

Dahil sa underwater ang kasal, pangunahing requirement ang pagiging marunong sa scuba diving. Gagamitin din sa kasal ang sign language.

Ang naturang underwater wedding ay upang maisulong ang turismo.

Samantala, magkakaroon ng isang mass wedding sa Cagao Island,Lunes, Pebrero 14, mismong Araw ng mga Puso kung saan 95 na pares ang mag-iisang dibdib.Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply