UP booters kampeon sa UAAP football

BAGAMA’T mailap sa kanila ang korona sa basketball sa UAAP, nagpakitang gilas naman ang University of the Philippines’ football squad matapos iposte ang unbeaten record at manalo ng titulo.

Ang Fighting Maroons ay kinuha ang panalo sa University of Santo Tomas Tigers, 2-1, sa kampeonato na ginanap sa Ateneo Erenchun field.

Humataw si Nii Aryee Ayi sa 31st minute, nang makadale ng goal mula sa pasa ni Rookie of the Year Jinggoy Valmayor.

Nakadale naman si Valmayor ng ninth goal sa tournament sa 51st minute, na lumakdang kay UST goalkeeper Ramon Borigas dahilan upang maitala ang 2-0 lamang.

Samantala, ang FEU booters ay nakuha ang Game 1 sa best-of-three series ng UAAP women’s football final nang durugin ang University of Santo Tomas (UST) sa pamamagitan ng penalty shootout, 2-0.

Sina Mara Kristia Sabanal at Emma Angelie Omictin ay nakaiskor ng kinailangan nilang goals sa panalo ng Lady Tamaraws subalit nangako ang kalaban na babawi sila sa Game 2.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply