US embassy sarado sa Lunes

SARADO sa Lunes, Pebrero 21 ang tanggapan ng United States (US) Embassy sa Maynila.

Ito ang ipinahayag ng embahada  upang bigyan daan ang pagdiriwang  sa President’s Day (George Washington’s birthday) na isang US holiday.

Ang anunsiyo ay inilathala sa Facebook na magre-resume sa Pebrero 22, Martes.

Pinayuhan naman ng US Embassy ang mga taong may transaksiyon sa kanilang tanggapan na sa naturang araw na lamang sila magtungo sa embahada.

Ang President’s Day ay US federal holiday na ipinagdiriwang tuwing ikatlong Lunes ng Pebrero, bilang parangal kay George Washington, ang kauna-unahang pangulo ng Amerika. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply