US trip ni Pacquiao hindi official – Belmonte

HINDI official  trip ang  pagtungo ni Saranggani  Rep. Manny Paquiao sa Estados Unidos, kung saan bumisita siya kay  US President  Barack Obama  sa White House at  nagpasimula ng  promotional  tour  sa nalalapit nitong laban sa Mayo 7 sa Las Vegas.

Ito  ang naging  kumpirmasyon ni  Speaker  Feliciano “SB” Belmonte, na nagpaliwanag na kahit  on-leave  ang  isang kongresista  ay maituturing pa ring  absent  ito  kung  wala  ito sa sesyon.

Ayon kay  Belmonte,  tanging  ang  pagsertipika lamang  nito  kay   Pacquiao na isa  siyang  miyembro ng  House of  Representatives  ang  kanyang  ibinigay  dahil hindi naman  maituturing na opisyal na  lakad ang pag-promote  at  pagbisita nito  kay  US president Obama.

Si Pacquaio ay nakatakdang  lumaban kay  Shane Mosley sa  Mayo 7  sa  Las Vegas.

Inihayag  naman ni  Belmonte ang kanyang   kagalakan  at pagmamalaki kay Pacquiao  dahil  sa pambihirang  pagtrato  ng pinakamakapangyarihang  tao  sa mundo, ang  presidente ng  Estados  Unidos, kay Pacquiao.

“I really admire him. That’s super … We’re all very happy with that … Imagine US Senate Majority Leader Harry Reid as his tour guide in the Capitol,” ani  Belmonte. Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply