USS Blue Ridge nakapasok sa territorial water ng Pinas

NAKAPASOK nang muli sa territorial water ng Pilipinas ang USS Blue Ridge ng United States Navy  para sa apat na araw na goodwill visit.

Ang barko ay “command and control ship” ng  United States’ 7th Fleet na nakabantay sa  Asia-Pacific region.

Nabatid na sa loob ng 4 days goodwill visit  ng LCC 19  sa bansa ay  magsasagawa naman ng iba’t ibang sporting events, seminars at community assistance projects ang US sailors na kinabibilangan din ilang Filipino-Americans.

Isang post-Valentine free concerts din umano ang isasagawa ng pamosong US Navy 7th Fleet Band para sa mga Pinoy sa  EDSA Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City at SM South Mall sa Las Piñas City.

Nagsilbing host naman sa nasabing pagbisita ng US warship ang Philippine Navy nang  pumasok sa area of responsibility ng Pilipinas sa may bahagi ng Correigidor hanggang sa paghahatid nito sa Pier 13 sa South Harbor sa Maynila. Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply