UST, FEU magsasalpukan sa UAAP volley final

MAGSISILBING sandata ng defending champion University of Santo Tomas ang karanasan nito sa pakikipaglaban sa Far Eastern University sa UAAP men’s volleyball championship na magsisimula ngayong Miyerkules, Pebrero 23, sa The Arena sa San Juan.

Sisimulan ang Game 1 bandang 1 p.m. bago ikasa ang women’s championship series sa pagitan ng UST at La Salle bandang 3 p.m.

“Sometimes when we are struggling, we just find a way to catch up on our plays,” pahayag ni UST coach Emil Lontoc.

Una nang nagpakita ng bagsik ang Tigers sa pagdurog sa FEU sa kanilang bakbakan sa elimination round tungo sa pagkamada ng 13 wins. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply