Utol ni PNoy dumalo sa misa para kay Heidi

DUMALO ang kapatid ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na si Viel Aquino-Dee, kasama ang kanyang asawang si Dodo, sa misang ginanap ngayon (Sabado, Enero 5) sa De La Salle-Greenhills para kay Heidi Mendoza, ang whistle-blower sa umano’y korapsyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bukod kay Aquino-Dee, dumalo rin sa misa si Jun Lozada, ang star witness ng kontrobersiyal na NBN-ZTE multi-million-dollar anomaly ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Pagkatapos ng misa ay ikinuwento ni Mendoza, dating auditor ng Commission on Audit (COA), sa mga dumalo ang kanyang karanasan matapos siyang lumitaw upang ibulgar ang daan-daan-milyong-pisong umano’y ibinubulsa ng mga AFP chief.

Ibinahagi rin niya na nag-apply siya bilang commissioner ng COA.

Sa pagdinig sa Senado noong Huwebes, inirekomenda ni Sen. Alan Peter Cayetano, Senate majority leader, si Mendoza na maging anti-corruption czar. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply