Utos ng DepEd sinusuway ng public school teachers

LUMILITAW na inutil ang Department of Education (DepEd) dahil hindi sinusunod ng ilang pasaway na mababang paaralan ang mahigpit na tagubiling bawal maningil ng kontribusyon sa mga magulang ng mag-aaral, lalo na sa Maynila.

Ang paglabag ay lalong tumingkad ngayong nalalapit na ang fourth grading period.
Bukod sa mga test paper ay may pinababayaran ding  tiket ang mga guro sa Lakandula Elementary School.

Inoobliga nila ang mga  magulang na magbayad ng P100 bawat tiket para sa umano’y pa-ballroom ng eskwelahan para sa mga magulang.

Mayroon aniyang mga magulang na tumututol, ngunit pilit pa rin sila umanong pinagbabayad kahit na ayaw nilang dumalo sa gaganaping ballroom party.

Napag-alaman na hindi lamang ang eskwelahan ng Lakandula kundi maging ang ilang mabababang paaralan sa Maynila ang patuloy sa panghihingi ng kontribusyon sa mga mag-aaral.

Bukod sa sapilitang pagbili ng IDs, may hinihingi rin ang mga eskwelahan na kontribusyon na pambili ng mga kagamitan sa silid-aralan.

Matatandaang mahigpit ang naging kautusang inilabas ni Education Secretary Armin Luistro na naglilimita ng mga singilin ng pampublikong paaralan.

Ang tanging kontribusyon na hinihingi ng kagawaran sa mga magulang ay mga tiket mula sa Girl Scouts at Boy Scouts of the Philippines.

Bukod dito ay manggagaling na ang desisyon sa Parent-Teachers Community Association o PTCA kung may iba pang hihinging kontribusyon alinsunod sa kanilang  napagkasunduan sa pagitan ng mga magulang at guro. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply