Uuwi mula Egypt siguradong may trabaho — Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na lahat ng boluntaryong uuwing overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Egypt ay may makukuhang trabaho paglapag sa Pilipinas, iniulat Sabado, Pebrero 5.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang na may reintegration programs ang gobyerno na puwedeng gamitin sa mga uuwing OFWs, habang hindi pa humuhupa ang gulo sa Egypt.

“Ang Tesda ay may skills training at meron din silang binibigay na entrepreneurship programs para mabigyan ng kaalaman ang mga OFWs sa pagtatayo ng negosyo. Meron din tayong pondo para mapautang sa mga small businesses. So meron tayong reintegration programs na existing,” ani pa Carandang.

Kasunod nito, pinayuhan naman ng Malakanyang ang mga Filipino na ayaw nang umuwi ng bansa na lumayo na muna sa lugar na nagkakagulo.

Ito ay dahil kumbinsido aniya si Carandang na matatagalan pa ang gulo sa Egypt dahil sa posisyon ni President Hosni Mubarak na kung bababa man siya sa puwesto ay sa Setyembre pa, na hayagan namang inayawan ng mga demonstrador.

Siniguro naman ng Malakanyang na walang dapat ipangamba ang pamilya ng 6,500 Pinoy na nasa Egypt dahil nakatutok ang bansa sa kanilang kalagayan 24/7. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply