OFWs mula sa Egypt dagdag sa mga tambay

NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas ang unang bulto ng mga Pilipino mula sa bansang Ehipto, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ayon kay DFA Spokesman Ed Malaya, 26 na Pilipino – 12 kababaihan, 9 na menor de edad at 5 kalalakihan – ang darating sa Sabado, dalawang linggo makaraang sumiklab ang kaguluhan sa Ehipto bunsod na rin ng panawagang bumaba sa puwesto si Egypt President Hosni Mubarak.

Labing-anim sa mga Pilipino ay nagmula sa Maadi, Cairo habang ang tatlo naman ay nagta-trabaho sa Dar Al Fouad Hospital sa Giza at 5 sa Nasr City.

Kabilang din sa ililikas ng embahada ng Pilipinas ay ang mga household helper at mga Filipino scholar sa Al-Azhar University.

Sinabi pa ni Malaya na nakipagtulungan ang embahada sa International Organization for Migration (upang makasakay ng eroplano ang mga Pilipino pabalik ng Pilipinas.

Iniulat din nito na walang banyaga ang nasaktan o namatay sa nagaganap na kaguluhan, bagama’t lumabas sa mga pandaigdigang balitaan na grupong maka-Mubarak na ang nakikipag-bangayan sa mga nagsasagawa ng kilos-protesta. Freddie Cortez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply