Valentine’s Day maaliwalas

MAGIGING maaliwalas at maganda ang panahon Araw ng mga Puso, Lunes Pebrero 14.

Ito ang sinabi ni Josel Jesusa, forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Maliban aniya sa bahagyang pag-uulan, maaliwalas na  panahon ang mararanasan sa Araw ng mga Puso.

“Based on our models and data, there will likely be generally good weather this coming Monday,” pahayag ni Jesusa.

Ang Visayas at Mindanao ay makararanas din ng mga bahagyang pag-ulan.

Dagdag pa niya, na maaaring matapos ang malamig na panahon ngayong buwan ng Pebrero.

Samantala, sinabi ng Pagasa na sa pagpasok ng buwan ng Marso hanggang Hunyo ay maalinsangan na ang panahon.

Ayon kay Jesusa unti-unti nang umiinit laluna sa pagpasok ng buwan ng Marso dahil humihina na ang  northeast monsoon na nakaaapekto sa  northern Luzon na maaaring tumagal hanggang Hunyo. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply