Valentine’s day magiging maaliwalas

MAGANDANG balita sa mga magsing-irog sa Araw ng mga Puso dahil magiging maaliwalas ang araw na ito ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa kahit maaliwalas ang kalangitan ngayong araw ng puso mga magkakaroon ng maulap na papawirin at manaka-nakang pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa epekto ng Hanging amihan.

Sinabi ni Buddy Javier, weather forcecaster ng Pagasa, bukod sa maulap na papawirin ang mararanasan ng rehiyon ng Luzon ilang bahagi rin ng lalawigan nito ang makararanas ng manaka-nakang pag-ulan kabilang na ang Metro Manila lalo na sa hapon

Habang ang ilang bahagi naman ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin at pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon at gabi.

Pinaalalahanan din ng Pagasa ang mga magsing-irog na lalabas ng kanilang bahay sa Araw ng mga Puso na magdala ng payong bilang paghahanda sa panaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply