Van, jeep nagsalpukan 4 sugatan

SUGATAN ang apat katao nang salpukin ng  isang delivery truck ng mga gulay ang pampasaherong jeep na sinasakyan ng mga biktima sa San Andres, Maynila, Biyernes ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Maynila sina Katherine Agla, 21, utility ng Ospital ng Makati at residente ng 1710 Estrada st., San Andres, Manila; Enrico Costibilio, 39, taxi driver ng Romualdez st., San Andres, Manila; Roberto Obas, 26, delivery boy ng Brgy. Makiling Sagay City Negros Occidental at Edgardo Kacandula, 39, driver ng 2440 Osmeña st., San Andres BUkid, Maynila sanhi ng mga tinamong sugat sa ulo.

Arestado naman si Danilo Madera, 24, driver ng Zone 5 Pagdaicon Mabolo, Naga City.

Sa report, Biyernes ng alas-singko ng umaga nang naganap ang insidente sa kanto ng Osmeña Highway at San Andres, Maynila.

Minamaneho ni Lakandula ang pampasaherong jeepney PYR 319 sakay ang kanyang mga pasahero sa direksiyon ng East bound nang sa pagtawid sa Osmeña Highway ay sinalpok sila ng rumaragasang 6-wheeler closed van (DCW 842) na minamaneho ni Madera.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumama ang mga ulo ng mga biktma sa bahagi ng sasakyan.

Nagdulot din ng pagsikip ng trapiko ang nasabing aksidente.

Ayon sa driver ng jeep, inamin sa kanya ng driver ng van na mabilis ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan dahil patungo sila ng Baguio City para i-deliver ang dalawang sari-saring gulay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply