Vendor utas sa kainuman

UTAS ang isang  vendor matapos barilin ng  kainuman nang mairita ang huli sa kakulitan ng una sa Malabon City.

Patay na nang idating  sa Manila Central University Hospital (MCUH) ang biktima na si Vicente Jaro, 34, ng Lot 42, Block 2, Flovi Homes Brgy., Tonsuya, nasabing lungsod.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Cornelio Barrios ang kanyang mga tauhan sa agarang ikadarakip ng suspek na si Madaldo Bayani.

Sa imbestigasyon ni P03 Jerry dela Torre, ng Station Investigation Division (SID), 8:30 ng gabi kahapon, Pebrero 25 nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek.

Sa pahayag ng saksi na si Manuel Bedizon, 64, nagdiriwang ng piyesta sa kanilang lugar at nag-iinuman sila sa loob ng bahay ni Bayani nang mangulit ang biktima dala ng labis na kalasingan.

Nang manakit na si Jaro ay dito na kumuha ng baril ang salarin saka binaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek makaraang mapatay si Jaro.  Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply