Victory parties sa pagbabalik ni Donaire ng Pilipinas

IBA’T ibang  lokal na pamahalaan ang nagpaplanong bigyan ng victory party ang bagong World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr.

Una nang naiulat na naghahanda ang mga lokal na pamahalaan ng General Santos City at Maynila ng hero’s welcome para kay Donaire.

Malakas ang balitang susunod na makakasagupa ni Donaire ay si Anselmo Moreno, na mayroong rekord na 30-1-1 win-loss-draw card. Sampu sa mga panalo ni Moreno ay sa pamamagitan ng knockout (KO).

Sa nasabing laban ay idedepensa ni Moreno ang kaniyang World Boxing Association (WBA) title.

Kung maluluto ang Donaire-Moreno fight ay itatakda ito sa Mayo, ang petsang nais ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Sa nakaraang laban ni Donaire ay pinataob niya ang Mehikanong boksingero na si Fernando Montiel sa ikalawang round via technical knockout (TKO).

Si Donaire ay mayroong ring record na 26-1-0 win-loss-draw cat at may 18 KOs. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply