Vilma Santos, balik telebisyon pero hindi sa Dos

NAKONTAK natin ang kampo ni Governor Vilma Santos-Recto na pinadaan ko ang text sa secretary ni Ate Vi na si Tita Aida Fandialan, tungkol sa isyung magbabalik-telebisyon na diumano ang mommy ni Luis Manzano, pero hindi sa bakuran ng ABS-CBN kundi sa nagpapabongga ngayong TV5.

Nag-reply naman si Fandialan at nagsabi na wala padaw siyang alam tungkol d’yan. Nakakapagtaka naman kasi mayroon nang ganyang tsika.

Maging ang mga taga-TV5 daw ay sobrang nananahimik muna sa ngayon sa mga nagtatanong sa kanila kung talagang magiging Kapatid star na rin ang Star for all Seasons!  Ganito rin naman kasi sila nu’ng mga panahong may tsismis na mula sa Kapamilya network, ay lilipat na sa kanila si Willie Revillame.  Mahirap paniwalaan ang pananahimik na ganyan, dahil may record na ang Singko, na nakukuha na nila ang serbisyo ng malalaking artista sa showbiz.

Nasa kanila na rin ngayon sina Mang Dolphy at Miss Susan Roces.

Sobrang abala pa ngayon si Ate Vi sa kanyang panunungkulan sa Batangas.  Ang kanyang pinakawalang salita ay baka next year pa daw siya makagawa ng kahit isang pelikula.    Pero may tsikang inaapura na siya na gawin ang movie nila ni Sharon Cuneta, na idederek ni Chito Rono.

Marami na rin ang nasasabik na muli siyang mapanood kahit sa telebisyon man lang, kaya abangan na lang natin kung ano talaga ang namumuong magandang plano sa pagitan nila at ng TV5.

Diumano’y kinausap na siya ni Mr. Manny Pangilinan, at napaka-bongga raw ng contract na inilalambing papirmahan kay Ate Vi.

–oO(O)Oo–

Wala namang masama, at wala ring kumokontra kung nakabili man si Anne Curtis ng isang brand new Porsche.  Regalo niya iyon sa kanyang sarili, dahil sobrang napakasipag naman niya sa kanyang career, at masinop din siya sa pera, kaya nakakapag-ipon siya.

Hindi naman nakapagtataka iyan, dahil patok sa mga televiewers ang programa niyang “Showtime.”

Mabili na rin si Anne bilang product endorser, at hindi na rin siya nababakante sa paggawa ng pelikula at teleserye, huh!

Mababaw lang naman ang kaligayahan ni Anne.  Ang gusto niya ay lagi siyang may trabaho, nalulungkot at naiinip kapag wala siyang ginagawa. Naranasan na kasi niya iyon, kapag wala siyang mga proyekto ay naiisip na lang niya na mag-asawa. Pero ngayon, dahil bongga ang career, kahit mayroon siyang lovelife, ay hindi niya ngayon sinasabi na gusto na niyang mag-asawa.

Parang walang kapaguran si Anne.  May mga pelikula siyang sinimulan ng shooting, at may ipapalabas siyang bagong teleserye kapareha si Jericho Rosales.  Parang mas suwerte yata siya ngayon sa bago niyang karelasyon na foreigner na napakaguwapo, kumpara nu’ng sila pa ni Sam Milby.  Mukhang mas masaya ngayon ang tisay na aktres, huh! Melchor M. Bautista

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply