Viloria vs Miranda niluluto na

MATAPOS ang matagumpay na pagdemolis kay Pinoy pug Arden Diale, ipinag-utos ng WBO na labanan ni WBO flyweight champion Julio Cesar Miranda ng Mexico ang isa na namang Pinoy fighter na si dating world flyweight champion Brian “the Hawaiian Punch” Villoria.

Ayon sa ulat, pinayuhan ng WBO si Miranda (35-5-1, 28 ko’s) na sunod niyang labanan si Viloria.

Matatandaang sinorpresa ni Diale si Miranda sa first round, kung saan bumagsak ito pero agad na bumangon.

Subalit sa 2nd round ay ginulpi ni Miranda si Diale at pinabagsak na ilang beses at sa fourth round na natapos ang laban.

Bukod kay Diale, tinalo rin ni Miranda ang isa pang Filipino na si Richie Mipranum sa pamamagitan ng TKO sa 5th round noong Hunyo 2010 para sa WBO flyweight title.

Ayon sa ulat, matagal ng hinahamon ni Viloria si Miranda subalit parang umiiwas ang Mehikano kaya’t mismong WBO na ang nagkasa ng laban ng dalawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply