VIPs dumagsa sa unang araw ng burol ni Reyes

NAKIRAMAY sa pamilya ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Angelo Reyes ang mga dating kasamahan nito sa gabinete ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Dumating din ang dating pangulo kasama si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Napag-alaman na kahapon ay napasugod si Arroyo sa ospital nang malaman ang nangyari sa dating kalihim.

Maging si dating Presidential Management Staff chief Mike Defensor ay tumungo sa Quirino Memorial Medical Center, pinagsuguran kay Reyes matapos magbaril sa sarili.

Nasa lamay din kagabi si dating Social Security System President Romulo Neri.

Nakiramay din ang mga Cabinet secretaries sa ilalim na Arroyo na sina Esperanza Cabral (DoH), Agnes Devanadera (DoJ), Norberto Gonzales Jr. (National Security Adviser), Prospero Pichay Jr. (ex-LWUA administrator).

Pumunta rin sa burol ni Reyes si dating Presidential Political Adviser Gabriel Claudio, dating Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar, dating TESDA head Augusto Syjuco at dating PDEA chief Dionesio Santiago.

Si Chief Justice Renato Corona ay nakiramay din kagabi sa pamilya Reyes maging si PPCRV head Henrietta de Villa at ang anti-crime crusader na si Teresita Ang-See.

Maging sina dating Sen. Richard Gordon at dating Interior Sec. Rafael Alunan ay pumunta sa unang gabi ng burol ni Reyes.

Ngayong umaga naman ay pumunta rin sa lamay si dating Pangulong Fidel Ramos. Story and photo by: Ivan Gaddia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply