Vizconde nag-sorry kay Corona

HUMINGI ng dispensa si Lauro Vizconde kay Chief Justice Renato Corona makaraan nitong ibunyag na ang punong mahistrado ang sinasabi niyang whistleblower sa kaso ng pagpatay sa kanyang mag-iina
.
Ipinaabot ni Vizconde ang paghingi niya ng dispensa kay Justice Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema.

Sandaling nagkausap sina Marquez at Vizconde sa inilunsad na fasting ng grupong People Movement for Justice o PMJ sa harap ng Korte Suprema Miyerkules, Pebrero 23.

Ayon kay Vizconde, iniiwasan niyang ibunyag na si Corona ang umano’y pinanggalingan ng kanyang impormasyon tungkol sa sinasabing  pang-iimpluwensya ni Senior Associate Justice Antonio Carpio sa mga kapwa niya mahistrado para maabswelto sa Vizconde Massacre case ang kampo ni Hubert Webb.

Pero napilitan siyang isiwalat iyon makaraan siyang patawan ng admonition o pagsabihan ng Korte Suprema.

Binigyan din ni Vizconde si Marquez ng kopya ng kanyang affidavit na may petsang January 27, 2011 kung saan inilahad niya ang pakikipag-usap umano niya kay Corona noong Setyembre ng nakaraang taon sa chamber nito sa Korte Suprema.

Matatandaang si Vizconde ay pinatawan ng admonition makaraan nitong sabihin na binabraso ni Carpio ang mga kapwa niya mahistrado para maabswelto si Webb at ang anim na mga kapwa nito akusado sa Vizconde Massacre case. Teresa Tavares

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply