VK sa Dagupan, Urdaneta City talamak

HINDI mapatigil ng kapulisan ang talamak na operasyon ng sari-saring pasugalan partikular na ang video karera sa Dagupan at Urdaneta City at iba pang sulok sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa mga konsernadong mamamayan na apektado sa nasisirang magandang imahe ng kanilang lugar, lantaran ang mga pasugalang video karera nina alyas kapitan Tano at Kapitana Bebot dela Cruz sa Dagupan City at alyas Melvin naman sa Urdaneta City.

Malakas umano ang loob ng mga ito na mag-opereyt ng mga iligal na pasugalan dahil binibigyan sila ng proteksyon ng matataas na opisyal ng pulisya sa lalawigan.

Ipinangangalandakan pa ng mga ito na nagbibigay sila ng lingguhang intelihensiya sa mga tauhan nina PNP Regional Director P/Chief Supt. Franklin Bucayu at PNP Provincial Director Rosueto Ricaforte kaya malaya silang nagpapalaro ng kanilang iligal na pasugalan.

Kaugnay nito, nanawagan ang mga residente at iba’t ibang non-government organizations kina Bucayu at Ricaforte na magsagawa ng agarang aksyon para matigil ang mga iligal na operasyon ng video karera sa mga nabanggit na lugar.-Benito de Guzman

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply