Voluntary repatriation ng OFWs sa Egypt magpapatuloy

PATULOY ang ibinibigay na voluntary repatriation ng gobyerno ng Pilipinas para sa overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Egypt na nagnanais nang umuwi ng Pinas.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay maaaring pumunta sa embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy workers na gusto nang makaywi ng bansa upang maka-avail ng voluntary repatriation.

“Hanggang meron pong gustong umuwi itutuloy po natin ‘yung repatriation. From what I understand, ‘yung 3rd batch po ay parating na from Cairo at titingnan po natin, kukuha lang din po tayo ng impormasyon sa embajada kung dahil nga po doon sa mga pangyayari kagabi kung meron pa pong gustong umuwi after the third batch,” anito.

Samanatala, nakiisa naman si Pangulong Benigno Aquino III sa iba’t ibang lider sa mundo na kumikilala sa mapayapang resolusyon sa political crisis na nararanasan ng Egypt.

“The Filipino people welcome the relatively peaceful resolution to Egypt’s political crisis. Egypt’s “people power” transition shows that the aspirations for a more free and fair society are universal,” ang bahagi ng kalatas ng Punong Ehekutibo.

Anang Pangulo ang buong sambayanang Filipino ay nakikisa sa mapayapa at makabuluhang pagbabago sa Egypt.

Gaya aniya  ng ginawa ng mga Filipino noong 1986, dapat simulan na umano ng Egyptians ang pagbangon at ayusin ang kanilang mga institusyon.Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply