Wage hike iginiit sa Kamara

IGINIIT ng labor centers, research institutions, at non-governmental organizations ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, iniulat Linggo, Pebrero 20.

Ayon sa report, iginiit ng nasabing mga grupo sa huling sub-committee hearing on House Bill 375 noong Biyernes ang P125 national wage hike bill na isinusulong nina Reps. Rafael Mariano (Anakpawis), Teddy Casiño (Bayan Muna) at Emmie de Jesus (Bayan Muna).

Tinalakay noong Biyernes ng Sub-committe on Labor Relations of the Committee on Labor of the House of Representatives (HOR) na pinamumunuan ni Rep. Cosalan ang posisyon ng iba’t ibang stakeholders sa HB 375.

Sumuporta sa wage hike ang Kilusang Mayo Uno (KMU), research institutions, Ecumenical Institute for Labor Research at Ibon Foundation gayundin ang Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR).

Ayon sa CTUHR, maraming makukuhang benepisyo ang mga manggagawa sa P125 across the board wage increase nationwide.

Ayon pa sa kanila, posibleng dumami pa ang working poor na dati ay umabot na sa 9 million kumpara sa 23 million Filipinos na nabibilang sa below poverty line.

Makakadagdag din umano ito sa kampanya ng bansa na agarang walisin ang kaso ng child labor,  rural-urban migration at mga problemang pabahay. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply