‘Wala kaming ginagawang masama!’ — John Estrada

MARIING sinabi ni John Estrada na wala silang ginawag masama ni Randy Santiago nang tanggapin nila ang programang “Happy, Yippe, Yehey” ng ABS-CBN.

Sinabi ito ng aktor matapos na umugong ang balitang may iringan at tampuhan sila ng dating Kapamilya host at matalik na kaibigan nilang si Willie Revillame.

Diumano ay tinira sila ni Willie sa programa nito sa TV5.

Ani John, may pamilya din sila ni Randy gaya ni Willie kaya naman kailangan din nilang maghanap-buhay para kumita.

“Wala po talaga kaming nagawang masama at alam ni Willie [Revillame] kung gaano namin siya kamahal. Kami po ay tunay niyang kaibigan. Ito po ay isang trabaho lamang. Kailangan din naming magtrabaho ni Randy,” sabi ng aktor.

Dagdag pa ni John ito ang pagkakataon nila ni Randy na muling pasayahin ang mga Kapamilya viewers.

“So, I hope magpasaya na lang tayo ng tao. Sana pagbibigyan kami ng sambayang Filipino,” he said.

Samantala, bukod kay Randy Santiago makakasama din ni John sa “Happy, Yippee, Yehey” sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez na magsisimula na sa Pebrero 12. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply