Wala ni kariton kaya OFWs naiipit sa Ehipto

HALOS lahat ng mga dayuhan sa Ehipto ay pinadalhan ng kani-kanilang mga gobyerno ng mga eroplanong magtatakas sa kanila sa magulong bansa.

Ang mga overseas Filipino worker naman, eh, sinabihang “istey put.” Huwag silang aalis pero kung gusto umano nilang umalis, magsabi lang sila.Wala ring lalabas nang bahay at huwag sumali sa mga demonstrasyon, sabi.

May pondo naman umano sa paglayas nila.

Meron na rin umanong mga nakausap ng mga taga-embahada na kapitbansa ng Ehipto na dadaanan ng mga OFW jas in keys na delikado.

oOo

Medyo humupa-hupa ang kalagayan sa Ehipto habang tinitipa natin ito.

Naging mabait-bait na ang mga militar at pulis. Hindi na sila gaanong namamaril sa mga nagpoprotesta.

May ilang lugar pa ngang magkakatsokaran ang mga militar at nagpoprotesta sa pangangapkap sa mga pumapasok sa lugar ng mga raliyesta.

Ito’y para hindi umano sila mapasukan ng mga may dalang armas at pagsimulan ng mga kaguluhan at patayan. Parang EDSA 1 ang konek, di ba?

oOo

Pero anoman ang parang mapayapang kalagayan, sino ang nakatitiyak na hindi ulit magkagulo?

Mining tu sey, Suki, magandang samantalahin ng mga onorabol sa pagtatakas ng mga OFW ang paghupa ng gulo.

Ano ngang malay natin na isang araw o gabi, eh, mas mabangis ang labanan dahil ayaw naman yata ni Hosni Mubarak ang lalayas sa kanyang trono. Hindi pa rin tumatalikod sa kanya ang mga pulis at militar na kanyang kasangga.

Tatandaan: yung iba sinasamantala ang panahon para lumayas.

Hoy, mga onorabol, ba’t di niyo tanggapin na ni kariton ay wala kayo para sa ebakwesyon?

Magbago na kayo!- Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply