Walang deployment ban sa Taiwan—Dole

NILINAW ng Department of Labor and Employment (Dole) na walang ban sa Taiwan sa pagtanggap nito ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kabila ng pagpapatalsik ng 14 Taiwanese sa China.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na binagalan lamang umano ang sistema sa pagproseso ng aplikasyon sa manggagawang Filipino.

Sa panayam sa Senado, umapela si Baldoz sa mga Filipinong gustong magtrabaho sa Taiwan na “magtiis” muna sa mabagal na proseso ng kanilang papeles habang hindi pa naaayos ang sigalot ng Maynila at Taipei.

Nilinaw din nito na wala silang partisipasyon para sa pagsasaayos ng problema ng Pilipinas at Taiwan.

Ang pinagtutuunan ng pansin ng Dole, aniya, ay ang  patuloy na pagkuha ng manggagawang Pilipino ng Taiwan.

Itinanggi rin ng kalihim ang lumabas na report na kinukuha na ngayon ng Taiwan ang manggagawang mula sa Indonesia bilang kapalit ng mga Filipino.  Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply