Walang maayos na liderato, walang allowance, PSC pikon na sa NSAs

IPINAHIWATIG kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga National Sports Associations (NSAs) na dapat ay ayusin muna nila ang gusot sa kanilang liderato kung nais makakuha ng mga ito ng matino o dagdag na allowances.

Ayon sa isang source, napipikon na rin ang PSC dahil sa pag-aaway ng mga opisyal ng iba’t ibang NSAs na madalas ay ang ahensya pa ang siyang nasisisi.

“Ayusin muna nila ang leadership dispute nila para mabigyan sila ng consistent na allowances,” pagsisiwalat ng isang source sa panayam ng Remate Sports.

“Paano mo naman matutulungan ang mga nag-aaway kung sila mismo ay ‘di magkasundo? ‘Di ba nakabubuwisit ang ganyan?” tanong pa ng impormante.

Maliban dito, nabubuwisit din umano ang sports commission lalo na sa mga NSAs na kumakatawan ng dalawa o higit pang asosasyon na hindi naman katanggap-tanggap.

Nilinaw ng source na ipinatutupad na sana ng PSC ang mga magagandang plano nito para sa mga NSAs ngunit dahil sa mga umaalab na bangayan sa liderato ay malabo itong maiimplementa.

Ang mga deliberate sports plans ay kinabibilangan umano ng mga karagdagang incentives para sa mga athletes at coaches ng national team na sasabak sa Asian games at Olympics.

Magdaragdag umano ang PSC ng P5,000 monthly allowances sa mga atleta at coaches lalo na kung nakahanda ang mga ito na magsanay nang maayos para sa mas marami pang medalya.

Kasama sa inaasahan, ayon sa isang source, ay ang taekwondo kung saan lalo umanong lalaki ang monthly allowance ng mga ito kung titiyakin ng mga itong makapagdedeliber ng mas maraming medalya o parangal.

Samantala, natuklasan din sinuspinde na rin ang allowances ng national cyclists at coaches na nasa ilalim ng partido ni PhilCycling president at Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino dahil na rin sa kasalukuyang leadership crisis sa nasabing NSA. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply