Walang Pilipinong naipit sa Libya, Yemen— OWWA

MARIING itinanggi ni Overseas Worker and Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon na mayroong naipit na mga Pilipinong manggagawa sa airport sa Benghazi, Libya.

Ayon kay Dimzon, nailipat na sa tiyak na ligtas na lugar ang mga mahigit isang libong Pilipino na nagtatrabaho sa construction site sa paliparan ng Benghazi at wala ring naulat na may mga naipit na Pilipino sa Tripoli.

Sinabi din ni Dimzon na sa kasalukuyan ay hindi pa kailangan ng forced evacuation sa 25,000 Pilipino sa Libya.

Kaugnay nito nagpalabas na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng travel advisory laban sa pagbabyahe patungo sa Libya, Bahrain at Yemen.

Ito ay sa gitna ng nagaganap na mga protesta sa mga naturang bansa.

Pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino na huwag na munang ituloy ang pagpunta sa tatlong bansa lalo na kung hindi naman mahalaga ang biyahe habang hindi pa maayos ang lagay ng seguridad doon.

Pinag-iingat din ng mga embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Manama at Riyadh ang mga Pilipino sa pagpunta sa mga pampublikong lugar, lalo na sa mga lugar na may demonstrador.

Naka heightened alert naman ang mga naturang embahada at tiniyak din ng mga ito na ligtas ang mga Pilipinong  nasa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply