WBC junior-middleweight crown bibitiwan na ni Pacman

BIBITIWAN na ni 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang korona bilang World Boxing Council (WBC) junior middleweight.

Ayon sa pound-for-pound king, wala na sa kanyang plano ang lumaban sa  154-pound division dahil masyado na siyang dehado sa bigat ng timbang ng mga nakakalaban sa dibisyong ito.

Kanyang inihalimbawa ang laban nila ni Antonio Margarito.

Sinabi ni Pacman na sa naturang laban para sa bakanteng WBC junior middleweight title noon ay dehado siya sapagkat mas mabigat ng hindi hamak ang Mehikanong boksingero sa kanya ng 17 pounds.

Inamin ng Pambansang Kamao na Kahit bugbog-sarado sa kanya si Margarito ay labis din siyang nasaktan sa lakas ng mga suntok lalo na sa katawan.

Nakatakdang idepensa ni Pacman ang kanyang WBO welterweight crown kontra kay 5-time world champion Sugar Shane Mosley,  sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada, sa Mayo 7.

Samantala, ang 147 pounds na umano ang pinakamataas na dibisyon na lalahukan ni Pacman bago megretiro sa pagiging boksingero. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply